STREAMLINE.
Abante sa agos ng pinakasariwa, makatotohanan, at tumpak na impormasyon sa bansa
#PATOKsaTIKTOK:
Makabagong paraan ng recording at pagtatampok ng sining
| Charis Sien Basco
Isa sa pinaka-kinahuhumalingan ngayon hindi lang ng mga millennials kundi pati na rin ng mga pusong- millenial ang sikat na mobile application na Tiktok na ngayo’y itinuturing na bilang isang malayang lugar na puno ng sining at pagiging malikhain.
Unang nakilala sa tawag na ‘Musically’, ang Tiktok ay isang social media video app na may kakayahang mag-record at mag-post ng maikling lip-sync, comedy at talent videos o ‘short looping’ videos sa loob lamang ng 3 hanggang 15 segundo. Kadalasan itong nilalagyan ng mga filters at kakaibang mga effects base sa iyong nais.
Una itong inilabas sa publiko ng ByteDance sa China noong Setyembre 2017. Sa unang taon pa lamang ng release nito ay umani na ito ng mahigit isandaang milyong users at magmula noon, 66 na porsyento na ng young social media users ang gumagamit nito worldwide.
Isa lamang si Radha Nicodemus mula sa ika-sampung baitang ng PMPQ sa mga nahuhumaling sa paggamit ng TikTok. Nagsimula siyang gumamit nito noong 2018 at hanggang ngayon, patuloy pa rin ang kaniyang pagkahumaling dito.
Ayon sa kanya, naging interesado sya sa pagti-tiktok noong mapanood nya ang mga viral na videos ni Vishnu Isles sa Facebook.
“For entertainment lang sya for me, kapag bored ako tas wala na ako magawa sa phone ko,” paliwanag ni Radha.
Kadalasang ‘talent-videos’ at lip-sync videos na may ‘glitch’ at iba pang uri ng filter ang ipino-post ni Radha sa kanyang Tiktok at iba pang social media accounts na kadalasa’y umaani ng heart reacts mula sa kanyang mga subscribers.
Sa ngayon, mayroon na siyang 200 na parody lip sync videos na umaabot sa 1,047 ang views. Umaabot na rin ng isang daan ang kanyang followers.
“Actually, hindi lang sya for entertainment ko eh, or pantanggal ng boredom nasho-showcase ko rin yung talent at yung TikTok skills ko,” kwento ni Radha.
Isa lang si Radha sa mga TikTok users na nagkapapagbahagi ng kanilang mga talento sa pamamagitan ng pagre-record ng maiikli at malikhaing video. Bukod dito, nagiging daan rin ito upang kumita ng pera online.
Samantala, nitong nakaraang taong lang, ginanap ang pinaka-unang 1 Million Audition ng Tiktok sa Pilipinas na may layon na mahanap ang pinakamalikhain at talentadong tiktoker sa bansa.
Gaya na lamang ni IsseyMiyake Parton, may 177,000 na subscribers na nangunguna sa pagpapamalas ng talento sa #1MPHTalent sa nasabing video app, isa sya sa tatlong Tiktoker delegates ng Pilipinas na kabilang sa mga dumayo ng South Korea noong nakaraang Nobyembre para sa TikTok Gala Seoul at nanalo ng P20,000.
ALAMIN
| Jelly Ann Raneses
Si Eduard, ang musmos na mag-uuling
| Charis Sien Basco
Bitbit ang bag na may lamang lapis, kwarderno, at mga libro. Pag-aaral ng mga leksyon tungkol sa pagbasa at pagsulat. Pamamasyal sa mga tindahan ng kendi at laruan. Pagtakbo sa palaruan at buhat ang kotse-kotsehan—Isang panaginip. Isang pantasyang maituturing ng batang si Eduard.
Matatagpuan sa kagubatan ng Tagkawayan, Quezon ang limang taong gulang na si Eduard Barbero na sa halip na mga gamit pang-eskwela ang karga, piraso ng troso ang kanyang buhat, pagsisibak ng kahoy sa bundok ang pinagkaka-abalahan, at imbes na nasa mga palaruan ay nasa kakahuyan pasan ang mabigat na responsibilidad sa kanyang murang edad.
Pag-uuling ang ikinabubuhay ng pamilya ni Eduard, bunsod ng kahirapan, maging sya at ang musmos niyang mga kapatid ay nagtatrabaho na rin para matulungan ang kanyang mga magulang.
Sa panayam at kwentong ulat ni Eduard Faraon sa programang, Stand for Truth, inihayag ng ina ni at pamilya ni Eduard ang hirap na kanilang dinaranas.
“Wala po akong magagawa kahit na mga ganyan lang yan pag nakikita akong nagta-trabaho, tinutulungan nila ako at ako’y may sakit na,” pahayag ni Carla Barbero, ina ni Eduard sa interview ng programang Stand For Truth.
Ayon kay Edcarl, kapatid ni Eduard, nasa labindalawang sako ng uling ang napupuno nila sa isang salang nito na kadalasa’y inaabot ng magdamag ang proseso bago i-export at dalhin sa Maynila.
“Minsan sa isang linggo, nakakatrentang sako kami, mahigit dalawang libo. Ang bale namin ay nasa P1,500 na,” kwento pa ni Nanay Carla.
Samantala, ang tira sa kanilang kita ay naipambabayad na rin sa utang at kulang pa upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Sa murang edad ay humahawak na ng itak at natuto nang magsibak si Eduard. Bukod dito, responsibilidad na rin niya ang pagbubuhat ng mga troso na halos sinlaki na ng kaniyang katawan at tinatayang 15 kilos ang bigat.
Batay sa datos ng Philippine Statistic Office, nasa 2.1 milyong mga batang edad 5 hanggang 17 ang nakararanas ng child labor, dalawang milyon sa mga ito ang engage sa Hazardous Child Labor o ang mabigat na mga gawain na hindi angkop sa kanilang edad.
Samantala, ayon sa www.practo.com, ang pagbubuhat ng mabigat na bagay gaya ng ginagawa ni Eduard at ng kanyang mga kapatid ay maaaring magdulot ng hindi balanseng postural alignment na nakakaapekto sa kalusugan ng nervous system ng isang tao na maaari namang magsanhi ng di pantay na komunikasyon ng utak at ating katawan.
Pangarap ni Eduard na makatapos ng pag-aaral at maging sundalo ngunit dahil sa kahirapan ay napipilitan siya at ang kaniyang mga kapatid na makipagbakbakan sa masukal na kagubatan sa mura nilang edad.
Tila nga naging supling na ng kagubatan si Eduard. Mistulang naging palaruan na niya ang kakahuyan, isang lugar na pilit niyang pinkakiki-bagayan dahil sa kahirapan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, sabay ng pagbaga ng uling na kanilang produkto, ang pagbabaga rin ng kaniyang damdamin na makaahon sa madilim nilang sitwasyon at magkaroon ng normal at maayos na buhay kung saan hindi itak ang kanyang hawak, kundi lapis; bag at gamit pang-eskwela.
LOOSEN UP SA LUCENA
| Charis Sien Basco
Sa pag-apak ng kaniyang mga paa sa pedal ng kaniyang bisikleta at pagdama ng kaniyang balat sa sariwa at malamig na hangin, nakahanap si Ken Jordan Anda ng klasik na paraan upang makapagrelax sa Lucena City.
Pagbibisikleta o “bike stroll” sa Dalahican ang nahanap na paraan ni Ken, magaaral sa ika sampung baiting sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Quezon at ng kaniyang mga kaibigan upang makatakas at makapagpahinga sa maingay at abalang siyudad ng Lucena.
“Nagsserve din sya as pahinga lalo na after school days,” ani Ken. Sinabi rin ni Ken na kadalasan siyang nagbibisikleta tuwing sabado at lingo kasama ang mga kaibigan niya sa daanan papuntang Pier sa Dalahican Port.
Ayon sa betterhealth. Com, ilan sa mga benefits ng pagbibisikleta sa katawan ay ang pagbabatibay nito sa mga buto, at koordinasyon ng katawan gayundin sa pagbabawas ng sobrang taba.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit tunay na naeenjoy ni Ken at ng kaniyang mga kaibigan ang pagba-bike stroll ay dahil sa ganda ng view sa kanilang dinadaanan lalo na ng sunset view sa Pier na ani nila’y hindi matatawaran.
Ayon kay Ken, nagsimula siya ng bike strolling noong nagkaroon sya ng bisikleta noong ikawalong baiting ngunit mas lalo lamang lumayo ang kaiyang mga destinasyon noong naksama nya ang kaniyang mga kaibigan.
“Sa tingin ko, lagi naming gagwin yon ng mga kaibigan ko habang kaya naming kasi worth it talaga’” pagtatapos ni Ken.