top of page
81149937_2407550782888676_78816882485970

HUWAG MAGMADALI

     Sinampahan ng kaso ni Gretchen Diez, isang transgender woman, ang Araneta Center group og Companies matapos siyang mapunta sa kustodiya ng pulis nang kaniyang sinubukan pumasok pambabaeng palikuran sa isang mall sa Quezon City. Upang matugunan ang mga isyu tulad nito, kinakailangan nang ipasa ang Sexual orientation, Gender identity, and Expression Equality bill (SOGIE), ngunit hindi dapat ito agarang isabatas sapagkat kailangan pa rin nito ng masusing pag-aaral at matalinhagang paghahanda ukol sa unang probisyong ito.

     

     Hindi naman kasi malayong maisabatas ang SOGIE, sa isang panayam ni Gretchen Diez kay Pangulong Duterte, nasabi ng pangulo na todo ang kaniyang suporta sa intAegrasyon ng SOGIE at pinag-iisipan niya rin magtayo ng Comissin on Gender Equality. Subalit, kung sigurado na ang bansa para sa SOGIE ay nararapat lamang na usisain anng bawat sulok nito sapagkat kalakip ng magandang  pangako ay ang mga prolemang kinakaharap nito.

​

     Tama naman na mayroon tayong mga batas na pumoprotekta sa mga Pilipino maging sino man ito, kasama nanga asa mga batas na ito ang Bill of Rights, Revised Penal Code, Labor Code, pat na rin ang Anti-Bullying kasama ang Cybercrime Law na naglalayong protektahan ang mga Pilipino at umiwas sa mga probema at sigalot. Ngunit, iba ang hinihiling ng LGBT+ Community. Hindi nila ninanais na magkaroon ng ispesyal na pagtrato sa kanila, bagkus ay hinihingi lamang ay pagkakapantay-pantay at proteksyon na hindi nila matugis sa panahon ngayon.

 

 

​

 

   Isa sa mga bumabagabag sa pagtataguyod ng SOGIE ay ang pagiging ‘’Imported template’’ nito. Ayon nga kay CIBAC Party- List Representative at Jesus is lord Founder Bro. Eddie Villanueva, iba an kultura na mayroon ang bansa natin, hindi tulad ng malalaking bansa tulad ng US, Canada, China atbp.Maganda nag ipinupunto ni Villanueva ditto ngunit hindi ba panahon nang tanggapin natin na panahon ay nagbabago? Pumapasok din ditto ang sinabi ng Sonak President Tito Sotto sahearing ng SOGIE na pinangunahan ni Senador Riza Hontiveros, ipinunto niya na ang SOGIE ay ang ‘’end to religious and academic freedom.’’ Kung sakaling muling mapatupad ito, maraming tanong nang laganap tulad ng kung papayagan ang isang transgender woman sa isang all-girls school? Kung mapapatupad at mapapayagan ito, kinakailanang makumpira na ang isang tao ay transgender, taliwas naman sa paniniwala ng LGBTQ+ Community na ‘’Gender is fluid’’ pabago-bago. Kung kaya’t kailangan ng masusing pag-aaral dito.

​

     Ang pagpapatupad sa SOGIE bill ay hindi sasagasa sa patakaran ng batas bagkus, ay bibigyang karapatan ang isang ‘marginalized group’ kinakailangan nating malaman na ang pagsasabatas sa SOGIE ang pinakamainam na solusyon panlaban sa diskriminasyon.

​

     Sa huli, hindi naman tayo nakaranas ng pangngutya, pisikal at verbal na abuso, pagkasahol, pambabastos, pagkatanggi sa mga trabaho at oportunidad  at marami pang iba. Kung hindi man natin maranasan , nararapat lamang na ating maunawaan.

​

     Ang tanging magagawa natin sa ating mga kababayan ay ang pagssabatas sa SOGIE upang siyang maprotektahan at nang maitaas ang pagkakapantay-pantay sa isa’t-isa. Nawa ay maging isang panawagan ito sa Gobyerno na ipatupad na ag SOGIE na may kalakip na pag-aaral at pag-iingat.

| Dean Gabriel Amarillas

| Gabriel Gil

MALABONG USAPAN

| Dean Gabriel Amarillas

     Nilinaw ni Dr. Feliza B. Quevada, Principal IV ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Quezon (PMPQ) na sa kasalukuyan ay wala pang mandato ang usaping malilipat na sa pamamahala ng city schools division ng ucena ang paaralan. Taliwas ito ang kumakalat na balitang mapupunta na sa sangay ng ucena mula DepEd Quezon ang PMPQ dahil sa isinusulong na resolusyon ng city government council na naglalayong malipat ang paaralan ng Lucena division.

​

     Umuugong ang usapin dahil sa pahayag ni Dr. Aniano gayon, Schools Division Superintendent  ng Lucena City  na malapit nang mapabilang sa Lucena division ang PMPQ matapos batiin ang mga guro noong ika-25 ng Agosto sa pagdiriwang ng Teachers Convention. Sinuportahan ni City Councilor Boyet Alejandro, Chairperson ng Education Committee, ang pahayag ni Dr. Ogayon. Ayon sa konsehal, dumaan na sa ilang pagbasa sa kongreso ang resolusyon at sa kasalukuyan ay dumadaan ito sa masusing pag-aaral.

​

      Ayon kay Alejandrino, nasa vicinity  ng lungsod ng PMPQ kaya’t nararapat lang na ito ay mapunta sa pamamahala ng city schools division upang magpaunlad ang pasilidad ng paaralan at magkaroo ito ng sariling LGU partner. Maganda sana kung nakalahad sa nasabing resolusyon kung ano ang advantages at limitasyon sakaling kuhanin ng city schools division ang PMPQ  upang mas malinawan ang mga guro, mag-aaral, at magulangin ng paaalan.

​

     Bagamat naipasa na sa kongreso ang panukala noong 2015, ayon sa Committee on Education ng pamahalaang panglungsod; wala pang desisyon kung maaprubahan ba ito o hindi dahil pinag-aaralan pa, aon naman sa punongguro ng paaralan.

​

     Ipinaliwanag ng punongguro walang matatanggap na anumang impormasyon ang tanggapan kung ano ang estado ng nasabing usapin. Sakaugnay na pangyayari, nilinaw in ni Governor Suarez na hindi papayagan na malipat sa Lucena City division ang PMPQ. Ayon kay Gob, dala nito ang pangalan ng probisiya ng Quezon kaya dapat na manatili ito sa sangay ng Quezon. Sa isang consultative meeting na dinaluhan ng mga ulongguro ng paaralan sa opisina ng gobernador noong Hunyo, inilahad ni Gobernador Suarez na malabong malipat sa Lucena ang PMPQ dahil pag-aari umano ng probinsya ang lupang kinatatayuan ng paaralan.

​

     Sa kaugnay na usapin, nabuo ang agam-agam ng mga guro na posibleng magkaroon ng domino effect sakaling malipat nga sa Lucena division ang PMPQ, possible ring kuhain ng Tayabas City schools division ang Quezon Science High School, dahil nasa sakop ng Tayabas ang nasabing paaralan.

PANGANGALIWA SA KALIWA DAM

| Kristina Gabriela Tapic

     Magkakaroon ang gobyerno ng proyekto sa Gen. Nakar at Infanta, Quezon na ‘Kaliwa Dam’ o ‘The New Centennial Water Supply Project’ na siyang inaasahan na makapagbibigay ng 600 milyong litro ng tubig kada araw at susuporta sa nakararanas ng water shortage, Metro Manila na may 4. 132 m litro kada araw.

​

     May inilaang budyet na nagkakahalagang P12. 1 bilyon at nakalulungkot isipin na ang 15 porsyento rito o P.1.82 bilyon ay kinailangan pang utangin ng bansa sa Tsina sa ilalim ng China Energy Engineering CO. LTD dahil umano sa kawalan ng The Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng pondo.

​

     Nagkaroon na ng kaugnayan ang Pilipinas sa Tsina ukol sa proyekto sapagkat pirmado na ng Pang. Xi Jinping noong Nobyembre, 2018 sa utangan at inaasahan na mabayaran ito sa loob ng limang taon.

​

      Ang orihinal na plano ay pinagg-uusapan na sa loob ng 34 taon ngunit ngayon lamang naisabuhay at ngayon ay balak tapusin ang proyekto hanggang 2023 ngunit nagkaroon ng mga pagbabago na hanggang 2022 na lamang dahil nais ng MWSS na matapos ito sa ilalim ni Duterte.

​

      Hindi dapat na ipagpatuloy ang proyekto dahil bukod sa hindi mabuti para sa bansa ang pagkakaroon ng utang dahil lamang sa kukurampot na dahilan para lamang makipagplastikan sa Tsina ay nakaapekto ito ng labis sa mga taong naninirahan malapit sa Brgy. Pagsanghan ng Gen. Nakar at Brgy. Magsaysay ng Infanta, Quezon na siyang pagtatayuan ng dam.

​

      Inaasahan na 300 hektarya na may 126 na ibat-ibang uri ng hayop at higit sa 100, 000 na residente ang maaring maapektuhan ng nasabing proyekto na inaasam ng gobyerno.

​

      Tila ba daig pa ng MWSS ang isang uod na ubod ng ganid dahil pinipilit nila itong itulak palusot kahit pa umabot na ng 12,000 ang nagbigay petisyon na itigil at hindi pagpayag ng mga naninirahang katutubo na may lima sa anim na kluster sa ilalim ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) ang nagsabing hindi nila inaaprubahan ang binabalak sa kanilang tahanan.

​

      Ayon pa sa Dumagat Tribe, minamanipula umano ng nasabing ahensya ang kanilang diwa dahil patuloy nilang sinasabi na magbibigay sila ng 20 milyong kabayaran kung sila ay pumayag.

​

      Nakasaad sa batas na FPIC-NCIP Administrating Order 3.S, 2012 ang pagkakaroon ng karapatan ng katutubo sa kanilang teritoryo bilang mga naninirahan at bilang may mas alam sa mga desisyon na maaring makaapekto sa mamamayan ng lugar kung sakaling ituloy ang proyekto.

​

      Hindi rin sumasang-ayon ang ex-Mayor ng Infanta noong 2017 bilang isa sa mga apektado at igiiniit din ng mga tao sa nasabing lugar na nagkakalat umano ang MWSS ng balita na itutuloy ang proyekto kahit na hindi pa nila aprubado at wala pang Environmental Compliance Certificate o ECE.

​

      Ang pagkakaroon ng komplikasyon sa pagkakaintindihan ng pagtatayo ng dam para matugunan ang suliranin sa tubig ay nagrereplika lamang na ang bansa ay makitid pa ang utak sa paghahanap ng alternatibong solusyon upang masagot ang hinaing ng mga kababayan.

​

      Dapat na magbigay aksyon ang Management Bureau for the Environmental Impact (EIS) sa mga maaring paglabag ng MWSS at sana ay umabot ang petisyon hanggang 10 milyon kagaya ng nangyari kung papaano huminto ang mining sa Palawan upang tuluyang tumiwalik sa pagtatayo ng dam.

62017140_2441437085876536_72286579274421

JELLY ANN RANESES

-SPJ Grade 10 Valhalla (AAE)

-TV Broadcasting English Scriptwriter

62012421_2302365826642569_69612708643691

KRISTINA TAPIC

-SPJ Grade 10 Valhalla (AAE)

- Collaborative Desktop Publishing Filipino Newswriter

bottom of page