STREAMLINE.
Abante sa agos ng pinakasariwa, makatotohanan, at tumpak na impormasyon sa bansa
Panunumbalik ng Pagkamakabayan
| Beyonce Folliente
Marami na ang nakakapagsabing ang ROTC ay hindi makakatulong sa bansa, na magbigay lamang ito ng pagiging talunan ng Pilipinas sa darating na gera ngunit di nila alam na nagkakamali tayo ng pananaw dito.
​
Marami sa atin ang mapagreklamo na naaagawan sila ng mga trabaho ng mga china sa bansa, sa gusto ng china ng gera, ang iba pa nga ay nanghahamon na lamang ng biglaan pero may panlaban ba sila?
​
Layunin ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) ang makapagbigay ng ensayo at paghahanda para ang lahat ay matutong lumaban at makapagbigay tulong sa sariling bansa.
Kung bibigyan pa natin ito ng isa pang pagkakataon, mas madaling makakapagprogreso ang ating bansa na makakapagbigay ng oportunidad na maging mas angat sa ibang lugar.
Matututunan nating mahalin ang ating sariling bansa at maibibigay nito ang oportunidad na ipaglaban ito at ipagmalaki.
​
Ito ang epektibong pamamaraan para sa amin marahil makakatulong ito sa pisikal at pangkaisipang anyo ng mga Pilipino.
Isipin natin ang ibang bansa na may kani-kanilang pamamaraan ng ROTC, sa Singapore, sa Korea at kahit sa Japan ineensayo nila ang kanilang mga mamamayan upang mas makapaglaban at mas maiangat nag sarili nilang bansa, hahayaan nalang ba natin silang umangat ng biglaan kaysa sa atin?
OPINYON
Pagdating sa atin
| Beyonce Folliente
Isa sa mga naglalakihang isyu sa ating bansa ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) na ipinagkomentan at ikinangiwi ng maraming Pilipino pero kung aking iisipin, malaki na agad ang maitutulong nito.
​
Sa mga ibang bansa tulad ng Singapore, gumawa sila ng sarili nilang bersyon ng ROTC na nakapagbigay agad ng malaking benepisyo ngunit pagdating sa atin, puro reklamo at gera ang inuuna.
​
May mga ibang bansa na handa na sa dadating na gera pero pagdating sa atin, puro komento, puro reklamo at walang badyang pangrarally ang nais na ihatid sa ating bansa.
​
Tunay nga na napakahirap kumbinsihin ng mga Pilipino at ikinareklamo rin ito ng ating senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa.
​
Gustong-gusto nating makipaggera, makipaglaban sa china na halos magwala na tayo sa ating mga malakritikong komento sa social media pero hindi naman tayo nakikiisa at bigla nalang nating inaayawan ang ROTC. Anong gusto nating mangyari, magbigay na lamang ng komento sa labanan?
​
Bigyan natin ito ng isa pang pagkakataon at isipin na madami itong maiitulong pagdating sa disiplina nating lahat lalong lalo na sa ating pagiging makabayan.
​
Kung tutuusin, sa ibang bansa meron silang Mandatory Military Training Service, mas mahirap pa ito kesa sa ROTC na iniisyuhan natin pero ang laki ng kanilang pagkakaisa at partisipasyon.