STREAMLINE.
Abante sa agos ng pinakasariwa, makatotohanan, at tumpak na impormasyon sa bansa
Sikad. Buwis buhay ang ibinigay na tadyak ng isa sa mga manlalaro ng Singapore laban sa Pilipinas upang masungkit ang gintong medalya sa Sepak Takraw.
Larawan mula sa Google
HINDI PINAPORMA
Singapore netters, blinangko ang Pilipinas
| Paul John Palapag
Dinismaya ng Singaporean trio ang team Pilipinas matapos maghawla ng 21-13, 21-11 panalo sa Sepak Takraw Mens Regu Preliminary Group A kahapon sa Singapore Stadium upang umabante sa quarterfinal game.
​
Binuksan ng Singapore ang iskor board matapos ang outside service ni Pilipinas striker Regie Pabriga upang kapitan ang 1-0 bentahe.
​
Umahon ang Pilipinas sa 1-3 depisito matapos ang dalawang sunod na service ace ni Rhemwil Catana upang iluklok ang iskor sa 3-3.
​
Kapit ang isang puntos na kalamangan, 5-4, bumuslo ng limang sunod na puntos ang Singapore mula sa dalawang service ace at tatlong outside service ng Pilipinas upang ilayo ang dikit na iskor tungo sa 10-4 bentahe.
​
Tangan ang anim na puntos na kalamangan, nakadikit ang Pilipinas sa 8-12 kartada mula sa mga outside service ng Singapore.
​
Tuluyang lumayo ang Singapore sa paghabol ng Pilipinas matapos umayuda ng anim na sunod na puntos tungo sa 18-8 abante mula sa blocks at service ace.
​
Nasarhan ng pinto ang Pilipinas matapos ang outside service na nagwakas sa unang round.
​
Sa pagpasok ng ikalawang round, naglatag ng tatlong sunod na sunback spike si Singapore striker Muhammad Hafiz Ja’afar mula sa feed ni Feeder Muhammad Yassin Suhaimi upang ikahon ang 3-0 abante.
​
Agad namang sumagot ang Pilipinas matapos mamuhunan sa error ng Singapore upang itabla ang iskor sa 3-3.
​
Hawak ang 17-11 abante, tuluyang natapos ang kampanya ng Pilipinas matapos ang apat na sunod na error mula sa outside service at net error.
QNHS INTRAMURALS
SPORTS ANALYSIS
PAGBANGON
| Paul John Palapag
Hindi nagpawala ng alas sa ikalawang run si defending champion Nyjah Huston upang isarado ang ikawalong sunod na pamamayagpag sa larangan ng skateboarding.
Matapos ang malamyang run ni Huston sa unang attempt, binuhay niya ang pag-asa tungo sa kaniyang ikawalong sunod na ginto matapos tumatak ang Frontflip Grind sa natitirang 20 segundo at ikahon ang mataas na 93.00 puntos.
Bagaman bumagsak ang ikatlong run ni Huston na mayroon lamang na 80.33 puntos, hindi ito naging problema sa kanya dahil mas mababang iskor ang nakuha ng kaniyang pitong katunggali.
Hindi naman nagawang protektahan ni Hoefler ang kanyang unang spot matapos lumaglag sa 72.00 puntos at nahablot ni Huston ang kanyang posisyon.
Samantalang bumangon din si silver medalist Jagger Eaton matapos magpaskil ng 85, 88 at 90.33 puntos sa loob ng tatlong run.
Bigo namang madepensahan ni Yuto Horigome ang kanyang 3rd spot sa ikalawang run dahil mas mataas ang nakuhang puntos ni Hoefler sa kaniya.
Nagtagumpay naman si Shane O’neill sa kanyang unang run nang pumasok siya sa ikatlong spot na may 82.66 puntos.
Samantalang, si Huston pa lamang ang tangin skater na nakapanalo ng tatlong sunod na gintong medalya sa history ng skateboarding.
Paltik. Ini-isket ni Nyiah Huston ang kaniyang skateboard tungo sa ikatlong gintong medalya.
Larawan mula sa Google
| Jelly Ann Raneses
SOLIDONG SUNBACK SPIKES
Pinoy sepak team, umeskapo sa dalawang dikdikang set
| Paul John Palapag
Hinarang ng Pilipinas sepak takraw team ang mainit na kamada ng Japan matapos magsalaksak ng umaatikabong sunback spikes at inside plays tungo sa 21-19, 21-15 panalo upang rumanggo sa ikatlong puwesto ng Mens Regu ISTAF Super Series na ginanap saPilipinas, kahapon.
Sa kabila ng selyadong depensa ng Japan, pumalo ng mabibilis na sunback spikes ang kanilang striker na si Arnel Isorena upang unti-unting lituhin ang depensa nina Japan striker, Yamada Saito, tekong Yumi Suzuki at feeder na si Ichiro Sato.
Pumalo ng dalawang sunod na headbot si Isorena mula sa set ni feeder Jason Huerte upang tahakin ang 1-0 bentahe sa unang set.
Matapos ang palitan ng blocks at sunback spike, tumipa naman ng service ace si Saito mula sa set ni Sato upang dumikit sa 9-10 baraha.
Baon ang dalawang puntos, 19-17, umatakengsunback spike si Saito upangtulunganang Japan sapagdikitsa 19-18 bentahe.
Muling binuhay ni Saito ang pag-asa ng Japan matapos tumikada ng isa pang sunback spike mula sa masidhing play dahil sa palitan ngblocks at spikes upang tunguhin ang 20-19 depisito.
Tuluyang nakamtan ngPilipinas ang unang set matapos masupalpal ni Isorena ang sunback spike ni Saito na nagbigay sa kanila ng advantage.
Kinapitan ng Japan ang 8-6 kalamangan sa ikalawang set mula sa sunback spike ni Saito dahil sa lumuwag na depensa ng Pilipinas.
Rumesbak ang Pilipinas matapos pumalo ng sunback spike si Isorena upang kapitan ang limang puntos na kalamangan, 15-10.
Sinarhan ng Pilipinas ang krusyal na last play matapos bumira ng dalawang sunback spike si Isorena at Huerte na hindi na nadepensahan ni Saito.