STREAMLINE.
Abante sa agos ng pinakasariwa, makatotohanan, at tumpak na impormasyon sa bansa
LATHALAING-ISPORTS
MATAMIS NA PANALO
| Paul John Palapag
Isa sa hindi makakalimutang panalo sa career ni Huston ang panalo niya sa 2018 Mens Skateboard Street Finals sa Minneapolis dahil isa itong memorableng panalo.
​
Matapos ang hindi magandang run sa unang attempt niya ay hindi pinabayaan ni Huston na malaglag ang kaniyang ikawalong titulo matapos bumangon ikawalang run.
Nakamit ni Huston ang ikawalong ginto niya kasabay ng tatlong pilak at dalawang tansong medalya sa kaniyang buong kasaysayan sa skateboarding.
Hindi ito isang madaling panalo kay Huston dahil bago niya nakamit ang panalo ay naranasan niya na bumagsak bago manalo.
Si Huston ay isang 23 taong gulang na skater na nakatira sa Laguna Beach sa United States of America at ang kauna-unahang skater na nakatanggap ng tatlong sunod na panalo sa buong kasaysayan ng Skateboarding.
Napabilib ang mga hurado at ibang crowd pati na rin ang kanyang mismong sarili matapos maipasok ni Huston ang Frontflip grind sa huling 20 segundo ng ikalawang run.
Sadsad naman ang huling run ni Huston subalit hindi pa rin nahigitin ng ibang katunggali niya ang 93 puntos.
Ito naman ang ika-14 na medalya ni Huston sa kaniyang career.
29th Sea Games: Beram, kumaripas sa Athletics
| Altea Balicot
Nagkamada ng dalawang ginto pauwi ng Pilipinas si T Anthony Beram matapos masikwat ang kampeonato sa Men’s 200 at 400 M Finals sa ginanap na 29th SEA Games, Kuala Lumpur.
​
Sumabak sa unang takbo sa Men’s 200 M Finals si Beram na agad namang umarangkada sa unang limang segundo na naging daan upang maunahan niya ang kaniyang mga kalaban.
​
Bumira si Beram ng 0.38 segundo kalamangan kontra kay Jirapong Meenapra ng Thailand upang tuluyang tuldukan sa 20.84 segundo.
​
Hindi naging madali para sa kaniya ang pagtabo ng kalamangan kaya’t mabilis siyang kumaripas hanggang sa huling segundo at tuluyan ng nawalan ng pag-asa ang Thailand na makopo ang kampeonato.
​
Bukod kay Meenapra, kumamdado rin ng 21.26 segundo si Thevarr Gunasegaran ng Malaysia na nagbuhat sa kaniya sa ikatlong pwesto na binuntutan naman ni Khairul Hafiz na may 21.28 segundo para sa ika-apat na pwesto.
​
Hindi nagpaawat si Beram para sa pangalawang takbo sa Men’s 400 M Finals at madagdagan ang kaniyang ginto sa SEA Games.
​
Dineklarang personal best ni Beram ang unang pagsabak niya sa SEA Games na mas lalong nagbigay kompyensa sa mga susunod niyang laro.
​
“We think we’re gonna lost our voice, we’re very proud of him”, saad ng kaniyang Nanay na bumyahe pa galing Amerika upang suportahan ang kaniyang anak.