STREAMLINE.
Abante sa agos ng pinakasariwa, makatotohanan, at tumpak na impormasyon sa bansa
Baybayin natin ang Baybayin
| Vanesse S. Cunanan
Kamakailan lang ay nagpasa ang House of Committee on Education and Culture ng House Bill 1022 ukol sa pagpapatupad ng Baybayin bilang national writing system.
Ang Baybayin ay isang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino noong Pre-Spanish Era. Kung madalas nga at napagkakamalan itong “alibata” ngunit ang kaibahan nito sa Baybayin ay nagmula ang “alibata” sa Malaysia habang tubong Pilipinas ang Baybayin.
Kasunod ng balitang ito ay ang pag-usbong ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga Filipino netizens. Sa libo-libong posts, tweets, replies, at comments ng mga ito ay iisa lang ang nais nilang ikonsidera: ang pagpapatupad muna ng Baybayin sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas bago ito gawing writing system.
“It’s about time… kasi yung alphabet natin, hindi siya atin. Kumbaga naman it is acknowledging that the Filipinos were not uneducated when the Spaniards came. Acknowledging Baybayin as a system of writing is also acknowledging the culture and heritage ng Pilipino,” opinyon ni Ms. Carmela Padillo, University of the Philippines Los Banos alumna, na ngayon ay guro sa Quezon National High School.
Sang-ayon rin ang mga mag-aaral ng QNHS sa usaping pagpapatupad ng Baybayin sa education system ng bansa.
“ Dapat lang na ipasok sa education system yung Baybayin kasi ito yung binuo ng ating ninuno at ating ‘to kaya dapat talagang pag-aralan,” pagsang-ayon ni Jan Angelo Paderon.
Kung pag-aaralan nang mabuti ang wikang ito ay maaaring magbukas ng maraming positibong resulta ng bansa. Pero paano kung maraming Pilipino na rin pala ang gumagamit ng Baybayin sa pang araw-araw at hindi lang ito napagtutuonan ng pansin ng nakararami?
Halina at baybayin ang Baybayin na hindi pa nalalaman ng karamihan. Ito ang mga bagay na ginamitan ng nasabing sistema ng pagsusulat:
BAYBAYIN SA TATTOO:
Karamihan sa mg millennial ngayon ay nahihilig sa tattoo. Isa sa mga disenyo para sa mga ito ay ang pagsusulat ng kanilang pangalan, lyrics ng kanta o anumang pahayag sa Baybayin.
“First day of me being 18 and I got a tattoo. It’s my last name, “Dela Torre” in Baybayin,” saad ni Arianna Dela Torre sa kanyang Twitter post.
BAYBAYIN SA PERA:
Marami ang may hindi alam na nakasulat rin ang Baybayin sa Philippine peso bills. Ang sulat na matatagpuan sa mga pera ay nilikha ni Paul Morrow. Isang Canadian citizen na hilig ang pag-aaral ng kultura ng mga Pilipino.
Nakalagay sa ibabang parte ng peso bills ang salita sa Baybayin na may ibig sabihin na “Pilipino”.
BAYBAYIN SA MOBILE APPLICATION:
Mayroon na ring mga ginagamit ang mga kabataan na mobile application kung saan maaari kang makipag-usap sa iba gamit ang Baybayin.
Narito ang Baybayin Keyboard App sa mga millennial na makipag-chat sa isa’t-isa. Patunay na maari pa ring magagamit ang Baybayin sa modernong panahon.
BAYBAYIN SA SOCIAL MEDIA POST:
Marami sa mga social media users at pages ang nagpopost ng mga larawan kung saan may nakasulat na pahayag sa Baybayin.
Kalimitan sa mga ito ay mga “relatable” na pahayag na umaani ng maraming shares at retweets.
“Parang sobrang witty nung isa na yon para sa mga kabataan na tambay sa social media. Makakarelate at maeeducate kami gan’on,” pahayag ni Cassandra Aldovino, estudyante sa QNHS.
BAYBAYIN SA SINING:
Ayon kay Dr. Mario Ignacio Miclat, ang former director ng UP Sentro ng Wikang Filipino, sa panayam… ang sining ang isa sa pinakamainam na paraan upang maibalik ang atensyon ng mga Pilipino sa Baybayin.
Isa si Taipan Lucero sa mga Pilipino na nagpakita ng pagmamahal sa Baybayin gamit ang sining. Kamakailan lang ay nagsagawa si Lucero ng CalligraFilipino kung saan nagpakita siya ng gilas sa kanyang talento sa calligraphy. Nagsimula ang hilig niya sa calligraphy noong siya ay nasa Japan siya.
“Para sa kanila, isang art form ang Japanese Calligrapy. It’s a discipline. Talagang pinagtutuunan nila ng oras at pansin. Mayroon naman tayong sariling alpabeto. Pwede natin bigyan ng ganoong katas na respeto ang Baybayin,” pahayag Lucero sa isang interview ng GMA News Team.
Patunay ang pagsulpot ng iba’t-ibang paraan ng mga Pilipino sa pagpapalawak ng Baybayin sa kagustuhan ng mga Pilipino na maibalik ang noon pa ma’y Sistema na ng pagsusulat ng Pilipinas.
Tulad nga ng sabi ni Ms. Mela, “It’s about time.” Panahon na para sa ating mga Pilipino na yakapin at pagyamanin ang sariling atin.
ATING KILALANIN
ROTC;Isang lingon sa Pagkamakabayan
Hanggang saan aabot ang iyong pagmamahal sa sariling bansa? Gyera. Kawalan ng disiplina at agawan ng teritoryo, hindi na bago sa’atin ang balita ukol sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea at iba pang teritoryo na sakop na ng bansang Pilipinas at ang tangkang pag lunsad ng ROTC para sa seguridad ng bansa.
Ang Reserve Officers Training Cops o ROTC ay isa sa mga programa ng gobyerno na isa din sa kursong pinagpipilian ng National Service Training (NSTP) na naglalayong ihanda ang kabataan sa paglilingkod sa bayan. Ito din ang magpupuno ng kasundaluhan kung sakali mang sumiklab ang digmaan o sakuna.
Isa si Senator Ronald Dela Rosa o mas kilala bilang “Bato” sa mga sumailalim sa programang ROTC noon, ayon sa kanya ang ROTC ang siyang nagging dahilan ng paghubog niya sa kanyang disiplina at pagiging makabayan.
“Love na love ko ang pagdepensa sa ating bansa, before that civilian pa’ko, hindi pa ako pumapasok noon sa PMA at doon ko nadevelop ang patriotism through training a CPA at ROTC,” ani Bato.
​
Sa kabilang banda, sinabi din nya na maraming bansa tulad ng Korea at Singapore ang sumasailalim hindi lang basta ROTC kundi sa Mandatory Military Service kung saan ang bawat lalaki ay kailangang maglingkod sa military.
​
“Kahit sikat ka na artista, galing sa marangyang pamilya, everybody is required to serve the military for atleast 2 years,” aniya.
​
Marami mang estudyante ang hindi sang ayon sa ROTC ay balak pa din iong ipatupad sa Grade 11 at 12 pati na rin sa kolehiyo na basic at optional lamang pwedeng sa kagustuhan nilang maging reserve officer ay sumailalim sila sa 2 years advance training.
​
Seguridad at kaligtasan ang tanging kagustuhan ng bawat Pilipino sa ating bansa kung kaya’t pinaiigting ang pagpapatupad ng ROTC para sa pagkakaisa sa pagtatanggol sa bansa.
​
| Julfha Ponce
Larawan mula sa Google
Saludo. Nag-eensayo ang militar kaantabay ang kanilang komander bilang bahagi ng kanilang pang araw-araw na pagsasanay.
Ang Taong Galit sa Hustisya ay Dawit
Ang may malalim at tinatagong damdamin ay siyang madalas na nasasangkot sa kaguluhan.
​
Ang galit ay hindi magandang pundasyon sa ating nararamdaman. Ngunit paano nga ba ito mababawasan at makokontrol?
​
Ang galit ay isang ekspresyon kung saan nakararamdam tayo ng labis na pagkakainis. Minsan, nagagalit tayo dahil sa mga taong may hindi mabuting nagawa sa atin man o sa kapwa.
​
Maalala na madalas na sinasabi ng mga suspek mula sa ibat-ibang krimen na nagdilim na lamang umano ang kanilang paningin dahil sa sobrang galit kaya nagagawa nila ang mga bagay na lingid sa kanilang kamalayan.
​
Kaya kinakailangan natin matutunan kung paano ito manipulahin bago pa may magyari na hindi inaasahan.
​
Una, kailangang makontrol ang sarili sa sitwasyon at matutong pairalin at paganahin ang utak habang nasa makapigil-hiningang tagpuan.
Dapat na magkaroon tayo ng pagpapahalaga sa mabuting pagpasiya. Pangalawa, hangga’t maari ay idaan na lamang sa tawa ang lahat.
​
Isaisip na lamang ang mga masasayang pangyayari sa buhay upang maiwasan ang pagsabog at pagkawala ng control sa bibig man o sa kamay.
Huli, kalmahin ang iyong sarili at maglaan ng panahon sa pag-iisip kaantabay ang struktura ng pagiging mahinahon.
​
Idaan sa usapan kung may kaaway man at gawing pundasyon ang komunikasyon. Hindi ba at ang luwag sa kalooban kung alam mong walang nakatanim dito.
​
Nakakapayapa rin sa damdamin kung iisipin mong ikaw ay malayong maglabas ng saloobin na walang nasasakta.
‘Di nga ba ang saya maging Malaya?