top of page

BALITANG-LATHALAIN

Universal Health Care Law, kasado na

| Kristina Gabriela Tapic

      Nagtayo ang Department of Health (DOH) ng programa ukol sa Universal Health Care Law o Republic Act 11223 na naglalayong bawasan ang medical na gastusin ng mga Pilipino.

 

      Ayon sa DOH, ang programa ay tumutulong na mapamura ng kahit sinong Pilipino o, particular na senior citizens ang mga gamot na kinakailangan at makayanan ang pagpa-paospital sa pampublikong ospital.

 

     Tinatayang 257 bilyong piso ang inilaan na pondo kung saan ang 40 bilyon na bahagi ay nagmula sa mga sin taxes o buwis mula sa alak at sigarilyo upang makatulong din umano sa pagbabawas sa mga kumo-konsumo at ang natititra ay buhat sa Department of Finance.

 

     Sa panayam sa Spokesperson ng DOH, Usec. Eric Domingo, ang batas na nilagdaan na ng Pangulong Duterte ay maaring maging daan sa pagbabawas sa bawat isang Pilipino ay P240 piso kada buwan o P3000 piso kada taon.

 

      Upang maging benepisyaryo, kinakailangan munang pumunta sa DSWD upang makakuha ng sertipiko upang mapasailalim sa benepisyo ng  PhilHealth.

  

       Maaring makatulong ang Universal Health Care Law upang bumaba ang bilang ng nangangailangan ng tulong pinansiyal para makapag-pagamot lamang.

   

      Sakop din ng batas ang ‘primary care’ sa insurance ng isang nakikinabang kahit wala ng debit card na pinanghahawakan.

ASF.jpg

Larawan mula sa Google

Hapis. Kinikitil ang ilang baboy na apektado ng African Swine Fever upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

LAGANAP NA

Sakit sa baboy, kalat na

| Kristina Gabriela Tapic

     Naglipana na ang sakit na tinatamo ng mga baboy mula sa mga poultry farms na tinatawag na African Swine Fever, isang nakahahawa at nakapipinsalang sakit na ikinamatay na ng tinatayang 12.6 na milyong baboy sa bansa.

 

     Aabot ng 263 bilyong piso ang kabuuang halaga na kinikita sa bentahan ng karne ng baboy at nasa 344, 437 metric tons naman ang dumadaan mula sa ibang bansa upang ikalakal bilang produkto ng Pilipinas.

 

     Nasa 19 na bansa ang kasalukuyang apektado ng African Swine Fever kasama na ang Russia bilang pangunahin sa listahan sinundan ng  Ukraine, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia, Hungary at iba .

 

     Wala pa rin umano nahahanap na gamot o bakuna sa naturang sakit.

 

     Africa ang pinagsimulan na bansa ng Swine Fever, dahilan umano sa pangalan ng nasabing sakit.

 

     Karaniwang nanggagaling sa kalakalan o pasalubong sa ibang bansa, processed meat at smuggling ang dahilan ng patuloy na paglaganap ng inpeksyon mula sa mga pampubikong pamilihan.

 

     Ayon sa Chairperson, ASF Task Force May Magno na patuloy umano ang paglaki ng bilang ng kaso ng Swine Fever sa bansa dahil na rin sa kawalan ng aantabay sa pamamaraan ng palitan ng karne sa bansa.

 

     “We need tighter security sa atin dahil nasa milyon na yung naitalang kaso and pwede siya magresulta sa pagmahal ng bilihin dahil sa demand na natatamasa sa karneng baboy” dagdag pa ni Magno.

 

     Inaasahan ang karagdagan aksiyon ng pamahalaan ukol sa nasabing isyu.

Garbin Jr: Sanchez ay ‘di eligible makalaya

| Kristina Gabriela Tapic

       Inihayag ni AKO BIKOL representative, Alfred Garbin Jr. na hindi maaring mag-benepisyo ang dating mayor ng Calauan Laguna, Antonio Sanchez sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

 

    Sangkot si Sanchez sa panggagahasa at pagpatay sa mga istudyante ng UP na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez at pagpatay din sa mag-ama na sina Nelson at Rickson Penalosa noong 1993.

 

   Umani ng kontrobersiya ang retroactive law ng mabigyan ng posibilidad na makalaya ang dating mayor na nagresulta sa agarang aksyon at paglilinaw ng Bureau Of Correction (BuCor).

 

      Ayon kay Garbin Jr sa talakayan sa ANC, hindi maaring makinabang si Sanchez sa R.A 10295 o GCTA na naglalayong bawasan ang araw ng sintensiya ng mga bilanggo dahil umano sa kaniyang mga paglabag sa loob ng selda.

 

       Nahuli umano si Sanchez na nagdala ng kontrabando o ilegal na droga sa loob ng bilangguan  at patuloy na pinapatakbo ang mga illegal na Gawain sa labas, kabaligtaran nito ang kondisyon ng nasabing batas na kinakailangan na magpakita ng kabutihan habang nakakulong.

 

    “Hindi eligible si Sanchez dahil hindi siya pasok sa factual basis kagaya ng screening process, evaluation, and liability and also because of his wrong actions inside the prison cell” saad pa ni Garbin Jr.

 

     Ang magaganap na hearing ni Antonio Sanchez ay sa September 23.

images (5).jpg

Lawarawan mula sa Google

Laganap. Nagkalat ang pasyente ng dengue sa isang ospital upang maghabol ng gamot.

National Dengue Epidemic, idineklara ng DOH

| Kristina Gabriela Tapic

      Ipinatupad ng Department of Health ang National Dengue Epidemic ngayong buwan ng Agosto dahil sa biglaang pagtaas ng mga biktima na aabot ng 140,000 mula lamang noong hulyo hanggang enero ng kasalukuyang taon sa.

 

      Tinatayang nasa 95 porsyento ang itinaas ng bilang ng nagkaroon ng dengue at nasa 600 naman ang binawian ng buhay dahil sa naturang epidemya.

 

     Batay pa sa pinakahuling datos ukol sa dengue, nasa 25 porsyento lamang ang nagkakaroon ng tsansa na makapag-patingin sa mga ospital at ang natitira naman ay hindi na umano namamalayan ang mga pananda na nagdududlot sa mas malalang resulta.

 

     Ayon kay Dr. Nap Arevalo mula sa DOH Disease and Control Bureau, nasa 44 porsyento ang  case fatality rate ng dengue na isa rin umano sa dahilan ng pagdedeklara  ng epidemya sa bansa.

 

     “Sa ngayon ay kailangan natin ng supportive management mula sa government at sa DOH para maiwasan na natin itong ano mang kinakaharap ng bansa” dagdag pa ni Arevalo.

 

     Isinaad din ni Arevalo na upang maiwasan maging biktima, iwasan umano ang pagsusuot ng maiitim na damit at palagiang uminom ng tubig.

 

     Ang ilan sa mga nararanasan ng may dengue ay mataas na lagnat, pagkasakit ng likod ng mata, pagkasakit ng kasu-kasuan, pagkakaroon ng rashes at pagdugo ng ilong at gilagid.

 

     Maari pa umano lumalala ang kalagayan ng isang may dengue kagaya ng pagkasira ng atay at paghina ng immune system kung hindi maagapan.

 

     Karaniwang makikita sa madudumi o tambak na tubig halimbawa ng estero  ang mga nakamamatay na lamok.

 

     Laganap ang nasabing epidemya ina lamang sa bansa kundi pati sa Western Pacific Region prtikular na sa Malaysia.

Ugnayang  US, Pinas, pinagtibay

| Kristina Gabriela Tapic

     Patuloy na pinapatatag ng bansang United States at Pilipinas ang relasyon sa usaping pang-digmaan at pang-ekonomiya na naglalayon sa pagpapalakas ng parehong partido.

 

      Alinsunod din sa nasabing pakikipag-ugnayan ang alitan sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina dahil sa pag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea na nagdudulot ng patuloy na kasiraan buhat sa naturang bansa.

 

      Ang ugnayan ay pagpapakita rin umano ng suporta ng US sa Pilipinas sa larangan ng pagkakaroon ng ng sasandata sa mga lugar na nasa banta ang pagiging sakop ng iba.

Mayroon umanong Field Diplomatic Notice ukol sa isyu at kopya ng Blueprint Management sa taong 2017.

 

      “Nobody wants wants us to force to stop China Sea” saad ng Direktor ng Maritime Transparency Initiative,Gregory Poling.

 

      Ang nasabing pagpapatibay din ng alyansa ay sa ikauunlad umano ng kabuhayan ng bansa sa pamamagitan ng madaliang pagpapalit ng mga lokal na produkto at malakas na samahan sa oras ng sandatahan.

 

      Inaasahan na magkakaroon pa ng mga aktibidad ang dalawang bansa sa upang lalo umanong tumatag ang relasyon sa iba’t-ibang aspeto.

62017140_2441437085876536_72286579274421

JELLY ANN RANESES

-SPJ Grade 10 Valhalla (AAE)

-TV Broadcasting English Scriptwriter

62012421_2302365826642569_69612708643691

KRISTINA TAPIC

-SPJ Grade 10 Valhalla (AAE)

- Collaborative Desktop Publishing Filipino Newswriter

bottom of page